Mahigit 5,000 pulis, handa ng magsilbing election officers sa BSKE 2023

0
140

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda na silang magsilbing mga opisyal ng eleksyon at magbigay seguridad sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 5,558 pulis na naka-standby para maging mga miyembro ng board of election inspectors (BEI) sakaling may mga guro na hindi makakasama sa halalan. Ipinatupad ang pagsasanay para sa mga ito upang mapanatili ang integridad ng eleksyon.

Ayon kay PCol. Jean Fajardo, hepe ng PNP Public Information Office, ang mga pulis na ito ay handang maglingkod bilang mga board of election inspectors (BEI) sa mga polling precincts.

Kamakailan, may mga guro sa Cotabato City at Abra ang nag-atrasan sa kanilang pagiging poll workers dahil sa takot sa posibleng karahasan.

Naging malinaw rin ang pahayag ni PGen. Benjamin Acorda Jr., hepe ng PNP, na sapat ang kapasidad ng mga pulis na siguruhing ligtas ang mga guro, lalo na sa mga lugar na nagiging mainit ang politika.

Gayunpaman, sa huli, ang desisyon ay nasa mga guro kung pipiliin nilang umatras. Ang mga guro na hindi makakapaglingkod bilang BEI sa halalan ay kinakailangang magsumite ng waiver bago sumapit ang Oktubre 30 deadline.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo