Mahigit 7K eskwelahan, nagsuspinde na ng face to face classes dahil sa init ng panahon

0
224

Dahil sa matinding init ng panahon, mahigit 7,000 paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagpasyang magkansela muna ang kanilang face-to-face classes.

Batay sa ulat ng Department of Education (DepEd), umabot na sa 7,080 na paaralan, mula sa kabuuang 47,678 sa buong bansa o 14.8%, ang nagpatupad ng suspensyon sa kanilang in-person classes at pumili ng alternatibong paraan ng pagtuturo.

Pinakamaraming apektadong paaralan sa Central Luzon na umabot sa 1,903. Sumunod dito ang Central Visayas na may 870 at Western Visayas na may 862 na paaralan.

Sa National Capital Region (NCR), mayroon nang 311 paaralan ang nagpasyang kanselahin ang kanilang face-to-face classes.

Noong una pa, ibinigay na ng DepEd ang kapangyarihan sa mga school heads at lokal na pamahalaan na magpasya kung kailangan nilang kanselahin ang face-to-face classes kapag sobrang mainit ang panahon sa kanilang lugar, alinsunod sa pag-aalala sa kaligtasan at kagalingan ng kanilang mga mag-aaral at guro.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo