Mahigit 930K na balota, ibinasura ng Comelec

0
433

Sinimulang sirain ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ang mga may depektong opisyal at roadshow na balota at iba pang accountable forms sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Pinangunahan ni Commissioner George Garcia ang pagsira sa 933,311 na balota, kabilang ang 586,988 na mga official ballots.

Ginamit ang mga balota sa roadshow sa pg testing ng mga makina ng vote counting machines (VCM).

Ang mga opisyal na balota na sinira ay may mga mantsa, maling kulay, maling sukat, at hindi wasto ang pagkaputol, bukod sa iba pang mga depekto.

Ang mga balota ay isinubo sa mga industriyal cutting machine at itatapon pagkatapos ng Mayo 9 na pambansa at lokal na halalan (NLE).

Ang aktibidad ay mula 8 a.m. hanggang 8 p.m. araw-araw hanggang sa susunod na linggo.

Mula Enero 22 hanggang Abril 4, kabuuang 67,442,660 opisyal na balota ang naimprenta.

Dumalo rin sa public event sina acting spokesperson, lawyer John Rex Laudiangco, Comelec printing committee vice chair Helen Aguila-Flores, mga kinatawan ng political parties at citizens’ groups, miyembro ng media, at iba pang stakeholders.

Sinabi ni Flores na muli silang nagpi-print ng 283 balota para sa Conner, Apayao matapos matuklasan na may mga butas sa gitna ang mga balota dahil sa duimano ay mishandling sa panahon ng paghahatid ng bagahe.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.