Mahigit na 1K suspek sa anti-illegal gambling, inaresto ng Laguna PNP

0
419

Sta. Cruz, Laguna.  Inaresto sa lalawigan ng Laguna ang isang libo isang daan at labing isang (1,111) ilegal na sugarol sa mga anti-illegal gambling operations na isinagawa ng Laguna PNP mula noog Oktubre 18, 2021 hanggang sa kasalukuyan, ayon sa report ni Laguna Police Provincial Office, Acting Provincial Director, PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz.

Ang Anti-Illegal Gambling Operation ng Laguna PNP ay pinalakas sa pamamagitan ng intel-driven na operasyon na may aktibong suporta ng komunidad. Sa 429 na operasyon ay nakumpiska ang Php 376,482.00 na taya mula sa iba’t ibang anyo ng ilegal na sugal.

Sa Anti-Illegal Gambling Operation laban sa  Illegal Numbers Game-STL Bookies, ang Laguna PNP ay nagsagawa ng 226 na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 241 na mga sugarol, operator, at bettors, matapos silang mahuli sa akto habang nangongolekta ng bet-money para sa STL-Bookies . Nakumpiska ang kabuuang Php 102,608.00 halaga ng bet-money, STL Lastillas at iba pang Illegal STL Bookies paraphernalia.

Ang mga naarestong suspek ay nakakulong sa ilalim ng custodial facility ng kani-kanilang operating units, habang ang kasong Paglabag sa R.A. 9287 ang isinampa sa korte laban sa 241 suspek na naaresto sa Illegal Numbers Game-STL Bookies, at isang kaso ng Paglabag sa PD 1602 ang isinampa sa korte laban sa 870 suspek na naaresto sa iba pang uri ng ilegal na sugal.

“The Laguna PNP’s intensified campaign on Anti-Illegal Gambling Operation will continue to endure. Our fight against Illegal gambling is one of my priorities. Gamblers are no placed in Laguna. I am appealing to the public to continue to support the Laguna PNP in order to achieve our common desire for a safe place to live.  I warned all perpetrators to cease from engaging with illegal gambling activity as they will surely be held liable under the law,” ayon sa babala ni Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.