Mahigit na Php 500K ng droga, nakumpiska ng Rizal Intel

0
242

Taytay, Rizal. Nakumpiska ng Rizal PNP ang humigit kumulang na dalawang kilo at kalahating Marijuana sa isang drug buy-bust operations na isinagawa ng grupo ni PLT Daniel M. Solano sa pangangasiwa ni PMaj Joel J, Custodio sa Brgy. Cupang, Antipolo, Rizal noong Lunes.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Reynante Romero, 26 anyos na residente ng Caloocan City at Nino Felipe, 21 anyos na residente ng Marikina City na kapwa kasalukuyang nakatira sa Antipolo City.

Nakuha sa kanila ang 16 na balot ng Marijuana na tinatantyang tumitimbang ng 2.5 kilos at nagkakahalaga ng Php 250,000. 

Sa isa pang bukod na operasyon ng mga tauhan ni Custodio, inaresto din ang dalawang suspek na kinilalang sina Dennis Longganaya, 23 anyos na tubong Antipolo at Janz Abalos, 24 anyos na residente ng Maynila. Nakuha sa kanila ang 2 balot ng hinihinalang shabu na may timbang na 53 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 360,000.

Ang mga nabanggit na matagumpay na operasyon laban sa iligal na droga ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng humigit kumulang na 53 gramo ng shabu at 2.5 kilos na Marijuana na tumitimbang ng 2 ½ kilo na may kabuuang halaga ng DDB na Php 610,400.00. Ang mga nakuhang ebidensya ay ipapadala sa Forensic Unit upang sumailalim sa laboratory test habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

“Ang problema sa iligal na droga sa bansa ang sumisira sa buhay ng maraming pamilyang Pilipino at sa kinabukasan ng kabataang Pilipino. Dahil sa mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga na nagta-target sa mga user, peddler, producer at supplier ay malapit ng magwakas ang banta ng droga sa lalawigan ng Rizal,” ayon kay Rizal Provincial Director Dominic L. Baccay.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.