Mahigit P8-M halaga ng shabu nasabat sa Quezon

0
283

LUCENA CITY, Quezon. Nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ang humigit kumulang na walong milyong pisong halaga ng shabu kahapon ng madaling araw sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungsod na ito, ayon sa ulat ni Quezon Provincial Police Office (PPO) Director, Police Colonel Ledon D. Monte.

Kinilala ang suspek na si Alibsar Macarangkat Macasari, 35 anyos na tubong Marawi City, Lanao Del Sur at naninirahan sa GMA, Quezon.

Ayon sa ulat ng Quezon PPO Provincial Drug Enforcement Unit, naaresto si Macasari 8matapos siyang magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang operatiba na nagpanggap na buyer.

Sa pagka-aresto, nakuha sa kanya ang iba pang mga sachet ng ng shabu na may timbang na 400 gramo na may street value na Php 8,200,000.00.

Nasa pangangalaga ngayon ng Lucena City Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanya kaugnay ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act.

Sa isang pahayag, tiniyak ni PCOL Monte ang patuloy na pagsisikap na puksain ang ilegal na droga sa lalawigan. “Ito ay bunga ng maigting na pagbabantay ng Quezon PPO upang mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa Quezon. Kasama din ang aktibong partisipasyon ng ating mga kababayan,” ayon kay Monte.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.