Mahigit sa 4M Pfizer jabs ang dumating sa PH: 780K doses nakalaan para sa 5-11 age group

0
200

Mahigit apat na milyong dosis ng Pfizer vaccine ang dumating sa dalawang tranches sa Ninoy Aquino International Airport kagabi, ayon kay Secretary Carlito Galvez.

Unang bumaba sa Terminal 3 ang Air Hong Kong flight na may dalang 780,000 dosis na nakalaan para sa pagbabakuna ng mga menor de edad na may edad na limang taon hanggang 11 taon, na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank.

Pagkatapos ng dalawang oras, 3,436,290 na dosis na ibinigay ng gobyerno ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVAX Facility ang dumating sa Terminal 2 sa sakay ng Silkway Airlines.

Ang mga bakuna ay sinalubong nina Galvez, health director ng United States Agency for International Development na si Michelle Lang-Alli; NTF Special Adviset si Dr. Teodoro Herbosa; at Department of Health Undersecretary Ma. Carolina Vidal-Taiño.

“This is so important for the kids in the Philippines so they can go back to school, enjoy sports, enjoy cultural events, and be happy, normal kids again,” ayon kay Lang-Alli sa isang panayam.

Ang bakuna ng Pfizer na may mas mababang dosis ang tanging brand na naaprubahan para sa kategoryang lima hanggang 11 taong gulang.

Ayon sa National Vaccination Operations Center, may kabuuang 26,363 na bata sa buong bansa sa pinakabatang age group ang nabigyan ng unang dosis sa 40 vaccination sites sa bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.