Mahigpit na sinusubaybayan ng DTI-Laguna ang mga presyo ng bilihin

0
344

Victoria, Laguna. Nagsagawa ang Department of Trade and Industry – Laguna Provincial Office (DTI-Laguna) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng price and fair trade law (FTL) monitoring noong Enero 4, 2023 sa una at ikalawang distrito ng Laguna sa tulong ng Government Internship Program (GIP) ng DOLE.

Bilang bahagi ng mga regular na aktibidad ng DTI-Laguna sa pamamagitan ng Consumer Protection Division (CPD), tiniyak na ang mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin sa ilalim ng nasasakupan ng DTI ay sumusunod sa suggested retail prices (SRPs).

Sa ialim nito ay binabantayan ang presyo ng pulang sibuyas bilang pagsunod sa utos ni Pangulo Ferdinand R. Marcos, Jr. at sa Memorandum mula kay Kalihim Alfredo E. Pascual ng DTI na may petsang Disyembre 30, 2022.

Isang supermarket ang nahuling nagbebenta ng pulang sibuyas sa halagang Php600.00 kada kilo na 140% na mas mataas sa SRP na Php 250.00 kada kilo na itinakda ng Department of Agriculture.

Bukod dito, bilang bahagi ng FTL monitoring, isang establisyimento na lumabag sa Price Tag Law ay binigyan ng babala at pinayuhan na maglagay ng mga price tag sa mga item o maglagay ng mga price tag sa mga istante at ayusin ang mga item alinsunod sa kanilang mga tamang price tag.

Alinsunod sa Seksyon 6-7 ng Republic Act (RA) 7851, o mas kilala bilang “Price Act”, ang mga presyo ng mga sumusunod na pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng DTI: canned fish at iba pang marine products, processed milk, coffee, laundry soap, detergent, candles, bread, salt, potable water in bottles at containers, locally-manufactured instant noodles, flour, processed at canned pork, processed at canned beef at poultry meat, vinegar, fish sauce, soy sauce, toilet soap, paper, school supplies, cement, clinker, GI sheets, hollow blocks, construction supplies, batteries, electrical supplies, light bulbs, at steel wires.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.