Mahigpit na sinusubaybayan ng gobyerno ang mga lugar na prone sa pagtaas ng kaso ng Covid-19

0
261

Ilang lugar ang nasa ilalim ng mahigpit na monitoring para sa posibleng pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje noong Sabado.

Lahat ng lugar sa buong bansa ay binabantayan dahil sa mga mass gatherings na may kinalaman sa halalan sa buong bansa, ayon kay Cabotaje.

Sinabi ni Cabotaje, na tagapangulo din ng National Vaccination Operations Center, na binabantayan ng gobyerno at ng mga health authorities ang Marinduque, Davao City, Butuan City, at Surigao del Sur.

Samantala, bahagyang tumaas ang kaso sa Ilocos Norte, Kalinga, Batanes, Quirino, Catanduanes, Olongapo City, Tarlac, City, Angeles City, at Eastern Samar, ayon kay Cabotaje.

“We don’t see the common denominator affecting the increase of cases in these areas but there might be some influx of people during holidays and because of campaign sorties, ito ‘yung ating mga tinitingnan pero lahat naman ng areas sa ating bansa binabantayan,” ayon kay Cabotaje sa “Laging Handa” public briefing.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.