Mahigpit na sinusubaybayan ng gobyerno ang Omicron subvariant XBB.1.5

0
164

Mahigpit na sinusubaybayan ng gobyerno ng Pilipinas ang mabilis makahawang Omicron subvariant na XBB.1.5, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam ng mga mamamahayag, tinanong si Marcos tungkol sa kanyang mga direktiba sa Department of Health at Bureau of Quarantine kasunod ng pagtuklas ng pinakabagong variant sa ilang bansa.

“Well, ganun pa rin. We are still in the same status. At, mukha naman kagaya ng mga bagong variant na mga pumasok dito, na dumadating. Naka-abang tayo. Binabantayan natin nang husto,” ayon kay Marcos.

“Like before, I’ve always looked at the hospitals and the occupancy rate. Kasi I start to worry pagka ‘yung ospital ay hindi na kaya tanggapin ang pasyente dahil punong-puno na sila. Wala pa tayo roon,” dagdag niya.

Sinabi ng Department of Health (DOH) noong Martes na kumpiyansa ito sa kakayahan nitong tuklasin ang mga bagong variant ng Covid-19, at tiniyak sa mga Pilipino ang patuloy na pagsubaybay ng pamahalaan.

Inulit pa ng DOH na ang mga variant ng Covid-19 ay patuloy na lalabas at muling lalabas. Ang mahalaga ayon sa kanila ay patuloy na ginagamit ang ating mga layer ng proteksyon tulad ng sanitation, masking, distancing, vaccination at boosters, pati na rin ang maayos na ventilation para mapanatiling manageable ang mga kaso at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.