Mojicap Lake Nature Park, nakatagong likas na pamana

0
487

Sa mga FB posts ng ilang kaibigan natunghayan at nalamang may isa palang magandang pasyalan sa gawi ng Barangay Palakpakin (San Buenaventura) at Barangay Sandig (Santa Catalina) na kung tawagin ay Mojicap Lake Nature Park.

Sa tanang buhay ng may akda’y dadalawang beses lang nakapasyal sa Lawang Mojicap at magpahanggang sa ngayon ay hindi pa nakakarating sa mga Lawang Pandin at Yambo.

Sapagkat walang hilig sa pamamasyal at pagbabakasyon ay hindi katakatakang maging banyaga sa sariling lungsod at hindi mabatid ang nakatagong kagandahan ng mga tanawin at yamang kalikasan nito.

Maaaring may naging pagkukulang  ako dahil hindi naisusulat at naibabalita ang katulad ng nabanggit na Mojicap Lake Nature Park. Bukod sa hindi tayo nakukumbida ng mga kasamahan sa local media kapag ganito ang ikokober ay wala akong matandaang nai-promote ito ng mga kinauukulan.

Dahil sa mga nabanggit ko, tayo ay magkukusang magtutungo sa Mojicap Lake Nature Park at hindi papayag na maging libre ang gagawing pagtigil at pagbisita doon. Gusto kong maranasan ang maging isang kliyente upang mas makatotohanan ang isasagawang pananawagan sa pagtangkilik at pagsupota ng mga susunod pang parukyano at bisita ng naturang mala-paraisong pasyalan.

Photo credits: Madeliene Baldovino Marasigan

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.