MAYNILA. Isang malaking sunog ang sumiklab sa makasaysayang Manila Central Post Office noong Linggo ng gabi, kung saan nagpatuloy sa pag apula ng apoy ang mga mga bumbero sa loob ng mahigit pitong oras.
Nagsimula ang sunog bandang 11:45 p.m. at natapos kinabuksan ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Sinabi ni Nahum B. Tarroza, direktor ng Bureau of Fire Protection ng National Capital Region, sa mga media kahapon na nasunog ang internal na kahoy na istraktura ng gusali mula sa basement hanggang sa ikatlong palapag.
“Labis na nakakalungkot dahil ito ay napakahalagang bahagi ng ating kasaysayan,” sabi ni Tarroza, at idinagdag na ang mga papel, libro, at sulat ang nagpalakas sa apoy.
Sinabi niya na isasagawa ang isang imbestigasyon sa sunog, at hindi pa isinasantabi ng mga imbestigador ang posibilidad ng electrical fault o arson.
Sa kasalukuyan, ang gusali ay main office ng Philippine Postal Corporation, ang government-run postal service na pangunahing namamahala ng mail sorting-distribution operations sa bansa, mga parcels at special stamp collections.
Ito rin ang tahanan ng pangunahing mga operasyon ng paghahati at pamamahagi ng koreo sa Pilipinas.
Sinabi ni Mark Laurente, chief of staff ng postmaster general, na ang mga national identification card ay ligtas sa sunog dahil ito’y nakaimbak sa ibang lugar.
Ang sunog na tumagal ng walong oras na tumupok sa makasaysayang Manila Central Post Office ay nagdulot ng pinsalang nagkakahalaga ng inisyal na tantiya na P300 milyon, bagaman patuloy pa rin ang assessment.
Ayon sa Philippine Postal Corporation, ang neo-classical na gusali sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ay idinisenyo ng mga arkitektong sina Tomas Mapua, Juan Marcos Arellano, at Ralph Doane. Muli itong itinayo noong 1946 matapos masira noong World War II noong 1945.
Ang Manila Post Office ay idineklara bilang isang “Important Cultural Property” (ICP) ng National Museum noong 2018 kasabay ng ika-251 na anibersaryo ng Philippine Postal Service. Ang mga ICP ay itinuturing na mga ari-arian na may “espesyal na kultural, artistikong, at kahalagahang pangkasaysayan sa Pilipinas,” at maaaring tumanggap ng pondo mula sa pamahalaan para sa proteksyon, pangangalaga, at pagpapanumbalik nito.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.