Mala- kids party na bakunahan para sa age group na 5-11, umarangkda na sa SPC

0
393

San Pablo City, Laguna. Sinimulan sa lungsod na ito ang pagbabakuna sa mga batang edad lima hanggang labing isa kahapon sa SM San Pablo sa pangunguna ni Mayor Amben Amante, City Health Officer James Lee Ho at ng mga opisyal at miyembro San Pablo Medical Society na pinamumuan ni Dr. Cristeto Azucena.

Sa temang children’s party, hindi lamang proteksyon ng bakuna ang tinanggap ng humigit kumulang na 400 na bata. Nag enjoy din sila sa loot bags, lobo, candies at mascots sa temang children’s party na iginayak sa SM San Pablo upang gawing masaya ang pagbabakuna.

Sinabi ni Dr. Lee Ho na bahagi ito ng pagsisikap na mabawasan ang takot o pag-aalinlangan sa bakuna sa mga bata.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni Dr. Lee Ho na tiniyak ng mga pediatrician sa mga magulang na napatunayang ligtas at epektibo ang mga bakuna sa COVID-19 para sa mga batang may edad na 5 hanggang 11.

Binanggit ni Lee Ho na ang reformulated Pfizer vaccine na ginagamit para sa age group na 5-11 ay sumailalim sa malawak na pagsusuri mula sa United States Food and Drug Administration (FDA) at tumanggap din ng emergency use approval mula sa FDA ng Pilipinas.

Ipinahayag naman ng San Pablo Medical Society ang kanilang suporta para sa kampanya ng gobyerno sa pagbabakuna ng mga batang edad 5 hanggang 11 at tiniyak nila sa mga magulang na ang mga bakuna ay magbibigay ng proteksyon laban COVID-19 para sa mga bata, ayon kay Dr. Cristeto Azucena, pangulo ng San Pablo Medical Society.

“Kami po ay natutuwa na nagagawa ng pamahalaan na palawigin ang proteksyon laban sa Covid-19 sa mga bata sa edad na 5 taong gulang. Ang pagbabakuna ay ang pinaka-epektibong paraan upang maiwasan ang Covid-19. Kaya iniimbitahan ko po ang mga magulang at guardians na magparehistro na ng inyong mga anak na limang taon hanggang labing isang taon sa tinyurl.com/sanpablo1stdose,” ayon kay Amante.

Nabanggit niya na ang reformulated Pfizer vaccine na ginagamit para sa 5-11 na pangkat ng edad ay sumailalim sa malawak na pagsusuri mula sa United States Food and Drug Administration (FDA) at tumanggap din ng emergency use approval mula sa FDA ng Pilipinas.

Nauna dito, ipinahayag ng Philippine Pediatric Society (PPS) at ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) ang kanilang buong suporta sa programa ng Department of Health (DOH) at National Task Force (NTF) para ma-inoculate ang mga batang may edad 5 hanggang 11 laban sa Covid-19 .

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.