Malacañang: 2 sa 3 Pilipino pinawalang-sala sa UAE, nailigtas mula sa death row

0
175

Pinawalang-sala ng United Arab Emirates (UAE) ang tatlong Filipino convict na ang dalawa ay nasa death row— dalawa sa kanila ay kinasuhan ng drug trafficking at isa ay may sentensyang 15 taon dahil sa paninirang-puri, ayon sa pahayag ng Palasyo nitong Biyernes.

Ayon sa isang pahayag mula sa Malacañang, humiling ng humanitarian pardon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa tatlong ito sa dalawang magkahiwalay na liham kay UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan.

“I am pleased to inform you that the appeal of President Ferdinand Marcos Jr. for three Filipinos, two of which are sentenced to death because of drug trafficking and one sentenced for 15 years for the crime of slander, has been granted for humanitarian pardon by our President,” sabi ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi.

Pinuna rin ng Sheikh ang mahalagang ambag ng humigit-kumulang 600,000 na mga Pilipino na nagtatrabaho sa Arab nation.

Samantala, nagpasalamat si Marcos sa kanyang UAE counterpart sa desisyon na ito.

“That’s the least we can do,” ang sabi ni Marcos sa Sheikh. “Then the usual things about having stronger relations and I said my part about the very good treatment of Filipino nationals in UAE.”

Sa isang pahayag noong Sabado, sinabi ni OFW Party-list Rep. Marissa Magsino na ipinapakita ng pardon ang kahalagahan ng interbensyon ng pamahalaan sa mga kaso ng mga OFW na nahatulan ng krimen na may parusang kamatayan at naghihintay ng araw ng bitay sa ibang bansa.

Noong Enero, naghain ng resolusyon ang mambabatas na nanawagan sa mga naaangkop na komitiba sa House of Representatives na magsagawa ng imbestigasyon sa kalagayan ng mga OFW na nasa ganoong sitwasyon, pati na rin upang suriin ang tulong na ibinibigay ng estado upang matukoy ang posibleng mga pagpapabuti.

“Habang may panahon pa, gugulin natin ang lahat ng posibleng aksyon upang maisalba ang buhay ng ating mga OFWs,” sabi ni Magsino.

Ayon sa kanya, nagko-coordinate ang Kongreso sa Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs kaugnay ng mga OFW na nasa death row pa rin sa UAE, Malaysia, China, Saudi Arabia, Brunei Darussalam, Indonesia, at Japan.

Samantala, sinabi ng Malacañang na muling ibinigay ng pangulo ng UAE ang imbitasyon nito kay Marcos na dumalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai, isang kahilingan na unang ipinadala isang linggo na ang nakalipas sa panahon ng courtesy call ng UAE Ambassador sa Malacañang noong nakaraang linggo.

Sa kanyang bahagi, inimbitahan ni Marcos si Sheikh Mohamed na bumisita sa Pilipinas, ayon sa kanya ay laging malugod na tinatanggap ang UAE lider sa pagbisita sa bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo