Malacañang: First Lady Liza Marcos, Hindi Pinigil sa Amerika

0
101

MAYNILA. Pinabulaanan ng Malacañang ang mga kumakalat na ulat sa social media na pinigil ng mga awtoridad sa Estados Unidos si First Lady Liza Araneta-Marcos.

“There is no truth that FL was held by any law enforcers while in L.A. or and in any other place,” ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro.

Ayon kay Castro, dumating ang Unang Ginang sa Pilipinas noong Lunes ng alas-5 ng umaga at umuwi bandang alas-5:58 ng umaga. Nasa Miami, Florida at Los Angeles, California umano si Marcos mula Marso 5 hanggang 8.

Noong Marso 11, nag-post si Marcos ng larawan sa kanyang Facebook account habang nagbibigay ng donasyon sa Girl Scouts of the Philippines sa kanyang tanggapan sa Maynila.

Naglabas ng pahayag ang Malacañang upang linawin ang isyu matapos ang mga ulat na sinasabing pinigil ang Unang Ginang sa Amerika kaugnay ng umano’y hindi agad na pagrereport sa pagkamatay ng isang kilalang negosyante na kasama niya.


Duterte sa Kaniyang Pagkakakulong: “So Be It If It Is My Destiny”

MANILA, Philippines – Matapang na hinarap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sitwasyon sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

“So be it if it is my destiny,” pahayag ni Duterte sa isang video message bago lumapag ang kanyang eroplano sa Rotterdam The Hague airport.

Sa nasabing video, sinabi niyang inaasahan na niya ang mahabang legal na proseso matapos siyang arestuhin.

“To my countrymen, just to give you the current situation, I am about to land in The Hague. Galing ako Dubai, stopover… It’s a long haul, it’s a long flight. OK ako. Do not worry,” pahayag ni Duterte.

Nanindigan ang dating pangulo na mananagot siya para sa mga naging aksyon noong kanyang administrasyon, lalo na sa kampanya laban sa ilegal na droga.

“And I think this has something to do with the law and order noon, at sinasabi ko naman sa mga pulis, military na trabaho kayo at ako ang managot. So ito na nga,” dagdag niya.

Matapos lumapag sa Netherlands, dinala si Duterte sa Hague Penitentiary Institution o Scheveningen Prison habang hinihintay ang pagdinig ng kanyang kaso sa ICC.


VP Sara Duterte, Dumating sa Amsterdam para Bisitahin si Duterte

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na dumating na si Vice President Sara Duterte sa Amsterdam, Netherlands upang bisitahin ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Hague Penitentiary Institution.

Ayon sa OVP, lumapag ang eroplano ni Duterte alas-9:47 ng gabi ng Miyerkules (Central European Standard Time) o pasado alas-2 ng madaling araw ng Huwebes (oras sa Pilipinas).

“Upon her arrival, VP Duterte was met with assistance from the Dutch Foreign Ministry and the Dutch National Police Corps,” ayon sa opisyal na pahayag ng OVP.

Nakatakda rin siyang makipagpulong sa mga abogado ng dating Pangulo bago bumisita sa kanyang ama.

“The Vice President is scheduled to attend a series of meetings today, 13 March 2025, while waiting for the time to visit his father, former President Rodrigo Roa Duterte,” dagdag pa ng OVP.

Samantala, ang kapatid niyang si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ay nabigyan na rin ng travel clearance para sa isang personal na biyahe sa Japan at The Netherlands.


Bato Dela Rosa, Hihingi ng Tulong sa Senado Sakaling Arestuhin ng ICC

MANILA, Philippines – Matapos ihayag na handa siyang magpaaresto upang samahan at maalagaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, sinabi ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na hihingi siya ng tulong sa Senado kung maglalabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Dela Rosa, tutulong umano sa kanya ang Senado kung sakaling sundan siya ng ICC sa kaso ng dating Pangulo.

Sinabi rin ni Dela Rosa na may pangako sa kanya si Senate President Francis “Chiz” Escudero na bibigyan siya ng proteksyon hangga’t pinapayagan ng batas.

“Ako mismo I can attest to that dahil sinabihan niya ako sa Malacañang na ‘huwag kang mag-alala Bato hindi ko papasukin ang ICC dito. Kahit nga buhok mo hindi mahahawakan ng ICC pati si Pangulong Duterte hindi mahahawakan ng ICC…Kung papayagan ko diyan after sa inyo who’s next kami ang iimbestigahan ng ICC’,” sabi ni Dela Rosa.

Ngunit nadismaya siya sa naging aksyon ng administrasyong Marcos, na aniya’y isinubo pa si Duterte sa ICC at gumamit pa ng private jet para dalhin siya sa The Hague.

Sa ngayon, sinabi niyang gagawin niya ang lahat ng legal na hakbang upang maiwasan ang pag-aresto, ngunit kung wala nang ibang opsyon ay mapayapa niyang susundin ang proseso upang maiwasan ang kaguluhan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.