Malacañang: Hindi totoo ang tsismis sa martial law, total lockdown

0
209

Pinabulaanan ng Malacañang kahapon ang mga pahayag na kumakalat sa social media na magdedeklara ang gobyerno ng martial law dahil sa matinding pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

“Fake news po ito. Wag po tayong maniwala sa ganitong uri ng balita,” ayon kay acting presidential spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang press briefing.

Tinukoy ni Nograles ang isang voice recording ng isang babae na humihimok sa publiko na mag-stock ng maraming pagkain hanggang Enero 30 dahil sa posibilidad na magdeklara ng martial law o total lockdown si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.

Binigyang diin ni Nograles na hindi nakakatulong ang pagpapakalat ng walang basehang tsismis, at magdudulot lamang ito sa “hindi kinakailangang pag aalala, takot at panic” sa mga tao.

Noong Huwebes, idiniklara na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang “fake news” ang nag viral na voice clip tungkol sa martial law at total lockdown.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.