Malacañang: Oktubre 31, may pasok

0
154

MAYNILA. Sa kabila ng tinaguriang “ipit” na araw o ang pagitan ng dalawang holiday, itinalaga na may pasok sa Oktubre 31 ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.

Ayon sa abiso ng Office of the Executive Secretary, walang plano ang pamahalaan na ituring na holiday ang Oktubre 31.

Unang inanunsyo ng Malakanyang na walang pasok sa Oktubre 30 upang bigyan daan ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Wala rin pasok sa Nobyembre 1 at 2 bilang bahagi ng Undas.

Nagpaalala rin ang Department of Labor and Employment nitong Linggo sa mga employer ukol sa tamang pagbibigay ng sahod para sa mga manggagawang magre-report sa trabaho sa mga darating na holidays.

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, ang Oktubre 30, Nobyembre 1 at 2 ay itinuturing na special non-working holidays, kung saan ipapatupad ang “no work, no pay” na patakaran.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.