Malakihang pagtaas ng presyo ng langis, nakaumang

0
378

MAYNILA. Inaasahan ang muling pagtaas ng presyo ng langis sa bansa simula Oktubre, dulot ng tumitinding kaguluhan sa Middle East, partikular sa Lebanon at Israel, na nagdudulot ng takot na maaari pang lumala ang sitwasyon.

Ayon sa Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, ang nasabing kaguluhan ay nagdudulot ng kawalan ng katiyakan sa suplay ng langis sa pandaigdigang merkado. “Ang giyera sa Middle East, lalo na sa Lebanon at Israel, ay maaaring magpalala ng sitwasyon, hindi lamang sa kanilang rehiyon kundi pati na rin sa ibang mga kalapit-bansa,” ayon sa ulat ng DOE.

Ang mga inaasahang pagtaas ng presyo ay ang sumusunod:

  • Gasolina: P0.30 hanggang P0.60 kada litro
  • Diesel: P0.65 hanggang P0.90 kada litro
  • Kerosene: P0.40 hanggang P0.60 kada litro

Bukod sa kaguluhan sa Middle East, isa pang salik na nakakaapekto sa presyo ng langis ay ang pagpapalabas ng China ng stimulus package upang pasiglahin ang kanilang ekonomiya. Dagdag pa rito, ang pagbabagu-bago ng imbentaryo ng gasolina ng Estados Unidos ay nagdaragdag ng pressure sa pandaigdigang merkado.

Patuloy na minomonitor ng gobyerno ang sitwasyon, at pinapayuhan ang mga motorista na maghanda para sa inaasahang pagtaas ng presyo sa mga susunod na linggo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo