Malaking fuel price hike, hihirit sa huling linggo ng 2023

0
154

Inaasahan ang malakihang pag-akyat sa presyo ng mga produktong petrolyo sa huling linggo ng 2023, ayon sa anunsyo ng Department of Energy nitong Biyernes, Disyembre 22.

Ipinaliwanag ni Rodela Romero, Assistant Director ng DOE-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), na maaaring magkaroon ng P1.40 hanggang P1.60 na dagdag kada litro sa presyo ng gasolina, P1.40 hanggang P1.60 naman sa presyo ng diesel, at P1.60 hanggang P1.80 na dagdag kada litro ng kerosene.

“Said adjustments were tempered by signs of unexpected build up in US crude stockpiles and talks over a potential ceasefire in the Israel-Hamas war,” ayon sa pahayag ni Romero.

Dagdag pa niya, nag ambag din sa pagtaas ng presyo ng gasolina ang pag-iwas ng ilang kumpanya ng langis at tanker sa Red Sea dahil sa mga pag-atake ng Houthie rebels sa nasabing lugar.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo