Malaking oil price rollback, sisimulan bukas

0
230

Magpapatupad ng malakihang bawas presyo sa produktong diesel at kerosene ang mga kompanya ng langis sa bansa mula bukas.

Ayon sa advisory ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P2.20 kada litro ng diesel at P2.50 kada litro ng kerosene habang hindi nagbabago ang presyo ng gasolina hanggang alas-6 bukas ng umaga.

May malaking bawas presyo din sa diesel at kerosene sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang ipapatupad na rollback sa mga nabanggit na produktong petrolyo ay dahil sa patuloy na paglalaro ng presyo nito sa pandaigdigang merkado

Matatandaan na noong nakaraang Martes ay nagpatupad ng malakihang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga oil company sa bansa na P2.10 sa kada litro ng gasolina, P3.00 sa kada litro ng diesel, at P2.30 sa kada litro ng kerosene.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo