Malaking taas-presyo sa petrolyo, sisimulan bukas

0
315

MAYNILA – Magpapatupad ng malakihang pagtaas sa presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa simula bukas, ilang araw bago ang Undas.

Ayon sa abiso ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI), at Phoenix Petroleum, tataas ng P1.20 kada litro ang presyo ng gasolina, P2.00 kada litro ng diesel, at P1.70 kada litro ng kerosene. Epektibo ito simula alas-6 ng umaga, Martes.

Ang CleanFuel naman ay magpapatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo simula alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.

Ayon sa mga eksperto sa industriya, ang big time oil price hike ay bunsod ng posibleng mga parusa o sanctions ng Estados Unidos sa mga higanteng kompanya ng langis ng Russia dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa Ukraine, gayundin ng pagbaba ng pamumuhunan sa krudo sa Amerika habang tumataas ang demand sa mga refinery.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.