Malalakas na pag-ulan asahan pa rin sa ilang bahagi ng bansa dahil sa habagat

0
676

MAYNILA. Magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Hulyo 20, dulot ng Southwest Monsoon o habagat, ayon sa PAGASA.

Sa heavy rainfall outlook ng ahensiya, tinatayang aabot sa 100 hanggang 200 millimeters ng ulan ang mararanasan ngayong araw sa mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Samantala, posibleng umabot sa 50 hanggang 100 millimeters ng ulan sa Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Laguna, Rizal, Oriental Mindoro, Palawan, Antique, Aklan, at Romblon.

Sa Lunes, magpapatuloy pa rin ang mga pag-ulan sa Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro na posibleng umabot muli sa 100 hanggang 200 mm, habang makararanas naman ng 50 hanggang 100 mm ng ulan ang Metro Manila, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, at Oriental Mindoro.

Inaasahan naman na unti-unti nang bababa ang bilang ng mga lugar na makararanas ng malalakas na pag-ulan pagsapit ng Martes.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo