Malapit ng itayo ang UP satellite campus sa New Clark City

0
624

Itatayo na ang isang dalawang palapag na gusali ng University of Philippines (UP) sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Pinangunahan ni UP president Danilo Concepcion, kasama si Bases Conversion and Development Authority Chairperson Delfin Lorenzana at Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant Regional Director Denise Maria Ayag ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng UP New Clark City satellite campus.

Ang satellite campus ay inaasahang magsisilbing hub para sa pananaliksik at pagsasanay na nakatuon sa sustainable development.

“This is a solid affirmation of the indispensability of education in empowering the lives of the people,” ayon kay Lorenzana sa isang statement.

Ang nakaplanong 3.4-ektaryang UP satellite campus ay malapit sa National Government Administrative Center at katabi ng National Academy of Sports.

Ang kampus ay magbubukas ng mga programa sa environmental science, bussiness at engineering, bukod sa iba pa.

Sinabi ni Ayag na ang pagtatayo ng UP center of excellence sa Central Luzon ay nakikitang may mahalagang papel sa pagbibigay ng kalidad ng mas mataas na edukasyon.

Ayon pa rin sa opisyal ng DPWH na ang pagtatayo ng bagong 7,042.15-square-meter na gusali ay ipatutupad sa mga yugto.

Sinabi ni Ayag na naglaan ang UP ng humigit-kumulang PHP157 milyon upang mapadali ang konstruksyon ng unang yugto ng proyekto na inaasahang matatapos sa Setyembre 2023.

Isa pang PHP100 milyon ang kailangan para pondohan ang ikalawang yugto ng proyekto, dagdag niya. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.