Malawakang produksyon ng Golden Rice, sisimulan ngayong taon

0
338

Sisimulan ngayon taon ang malawakang produksyon ng mga binhi ng Golden Rice partikular sa mga probinsya na may mga kaso ng vitamin A-deficiency  upang magamit at maisulong ang biotechnology sa bansa, ayon sa ulat  ng Department of Agriculture (DA) kahapon.

Ibinalita ni DA Secretary William Dar na ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ay magmamapa ng mga programa para sa malawakang produksyon ng mga binhi ng Golden Rice at produksyon ng Golden Rice sa mga pioneer na lalawigan nito. 

“On the policy front, the National Seed Industry Council (NSIC) has adopted a unified policy for the varietal registration of all genetically modified crops, which paves the way for a streamlined deployment timeline for Golden Rice,” ayon kay sa pulong ng Healthier Rice Project Team and Advisory Committee (HRAC).

Sinabi ni Dar na malugod na tinatanggap ng departamento ang tungkulin nito bilang isang pioneer sa deployment at komersyalisasyon ng unang rice variety ng genetically modified (GM) para sa nutritional improvement.

Idinagdag niya na ang DA ay mangangailangan ng capacity assistance at funding resources para ilipat ang kanilang pangunahing kaalaman mula sa mga institusyon tulad ng International Rice Research Institute (IRRI) bilang strategic research partners.

“Biotechnology is a “powerful tool of science to feed the future. The stance of the DA is clear: biotechnology is a pillar of our ‘OneDA approach’ to ensuring agricultural productivity, sustainability, economic growth, and nutritional security,” dagdag pa ni Dar.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.