Mandatory face masks tinutulan ng Tagaytay LGU

0
148

Tinanggihan ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay ang suhestyon na gawing obligatory ang pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar sa gitna ng lumalalang mga kaso ng COVID-19 at flu-like illnesses.

“Kahit may bagong strain, wala pa kami doon, dahil malakas ang hangin eh. I don’t think sa experience namin, not that strict pagdating sa face mask,” pahayag ni Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino sa isang televised briefing.

Mahigit kalahating milyong turista ang namasyal sa Tagaytay noong Pasko at inaasahan na mas marami pa sa Bagong Taon.

“Last Christmas more than 500,000 yung estimate na pumasok sa amin dahil grabe po, puno ang mga restaurants and hotels, rooms, bed and breakfast, inns,” ayon kay Tolentino.

Samantala, sinabi ng alkalde na patuloy niyang ipatutupad ang firecracker ban sa Tagaytay.

“Kahapon lang tinurn down ko yung 3 requests from hotels for fireworks display. Ayaw talaga namin. May ina-allow kami na ordinary days, kapag may requests, during weddings. So far wala namang nag-aapply for weddings,” aniya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo