Mangingisda, nasagip matapos ang walong araw na paglutang sa karagatan

0
139

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan. Ibinalita ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP Wescom) na nailigtas ang isang mangingisda matapos ang walong araw na pagkapit sa isang piraso ng styrofoam hanggang sa masagip siya ng isang Chinese na bangka.

Si Rosalon Cayon, 31 taong gulang, ay naglayag kasama ang isa pang mangingisda gamit ang dalawang magkahiwalay na bangka noong Disyembre 20. Subalit, ang bangka ni Cayon ay lumubog mga 40 nautical miles mula sa baybayin ng Buliluyan sa mainland Palawan noong Disyembre 23.

Ayon sa AFP-Wescom, kumapit si Cayon sa isang piraso ng styrofoam upang manatiling nakalutang sa tubig sa loob ng walong araw.

“After eight days at sea, Cayon was spotted and rescued by a sampan – a Chinese small fishing boat,” ayon sa ulat ng Wescom noong Biyernes.

“The Chinese fishermen brought him safely to the Rizal Reef Detachment where he is currently being treated and taken care of by Filipino troops stationed there,” dagdag pa nito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.