Manila archbishop, mamuno sa Misa para sa kapayapaan sa Ukraine

0
355

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang isang “Misa para sa Pandaigdigang Kapayapaan at Ukraine” mamayang ala singko ng hapon sa intensyon na matapos na ang sigalot sa silangang bansa sa Europa.

Magsisimula ang misa mamayang alas singko ng hapon at manalangin para sa pagbabagong loob ng Russia na nagsimula ng pag-atake noong Pebrero 24, para sa kaligtasan ng lahat ng tao sa dalawang bansa, at para sa mga kaluluwa ng mga namatay sa patuloy na labanan.

Ipapalabas ang misa sa Facebook page ng Our Lady of Fatima Parish.

Ayon sa United Nations, iniulat ng Anadolu Agency noong Sabado na hindi bababa sa 564 na sibilyan ang napatay at 957 ang nasugatan sa Ukraine mula nang magsimula ang digmaan.

Mahigit sa 2.5 milyong katao ang lumikas patungo sa mga kalapit na bansa.

“Hindi pinapasok ng mga tropang Ruso ang aming tulong sa lungsod at patuloy na pinahihirapan ang aming mga tao. Bukas susubukan naming muli, muli na magpadala ng pagkain, tubig, at gamot,” ayon sa pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelenskyy sa isang video message sa pamamagitan ng Telegram instant messaging service.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.