Manugang binaril ng biyenan, patay

0
302

Lucena City, Quezon. Patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos na barilin ng tatay ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Domoit, Lucena City noong Miyerkules ng hapon.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima na si Marc Erick Naval na tinamaan ng bala ng sumpak sa kanyang katawan.

Batay sa report ng Lucena City police, nasa kusina ng kanilang bahay ang biktima sa Stone Gate Subdivision nang barilin ito ng 70-anyos na suspek na si Leonardo Jaguba, gamit ang sumpak sa harap ng kanilang mga kapamilya.

Ang biktima ay asawa ng bunsong anak ng suspek at ayon sa mga kasambahay, matagal nang may samaan ng loob ang dalawa.

Bago ang pamamaril nagkaroon muna umano ng mainit na pagtatalo tungkol sa mga pananim ng matanda na diumano ay sinira ng biktima. Pumasok sa kwarto ang suspek at paglabas nito ay bitbit na ang sumpak at agad na binaril ang biktima.

Inaresto naman ng mga pulis ang suspek at nakatakda siyang humarap sa kasong murder.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.