Dr. Lee Ho: Mapipigilan ng booster dose ang muling paglaganap ng Covid-19

0
274

San Pablo City, Laguna. Hinimok ng local government unit ng San Pablo City ang mga residente na mag-avail ng booster shots sa gitna ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Nanawagan si San Pablo City Mayor Vicente B. Amante sa mga residente nito na gamitin ang Covid-19 booster shots upang maiwasan ang pagdami ng aktibong kaso sa kanilang lokalidad.

Ang pinakahuling data ay nagpakita na ang San Pablo City ay may 231,396 na ganap na protektado laban sa pandemya. May 67,059  na nabigyan ng una at pangalawang booster shot.o 95.68% 

Ang isang na aktibong kaso ng lungsod noong Mayo 30 ay tumaas sa 14 na kaso noong Hulyo 5, na umabot sa 78 na aktibong kaso sa kasalukuyan. Dahil dito ay pinalalakas ang mga protocol sa kalusugan at mga kampanya sa pagbabakuna partikular ang booster dose at pediatric vaccination upang pigilan ang higit pang pagkalat ng impeksyon sa Covid-19, ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho.

“Maging mapagmatyag po tayo at maging maingat sa pagsunod sa minimum public health standards sa lahat ng oras, gayundin ang pag-avail ng booster shots upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19,” ayon kay Amante.

Ang mga magulang ay hinihikayat niya na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Mahigpit din ang pakiusap ni Amante sa mga magulang ng mga nasa 12 – 17 age group na kumuha ng booster dose limang buwan pagkatapos matanggap ang pangalawang pangunahing serye ng bakuna laban sa Covid-19.

Ang panawagan ni Amante ay bilang pakikiisa sa pagsisikap ng Department of Health at National Vaccination Operations Center kasama ang mga local government units sa buong bansa na paigtingin pa ang booster vaccination para maiwasan ang epekto ng Covid-19 Omicron sub-variants.

Sa ngayon, may kabuuang 89 ang aktibong kaso sa lungsod, ayon sa report ng San Pablo City Anti CoViD-19 Task Force.

“Nakikiusap ako sa mga fully vaccinated na residente ng San Pablo City na gamitin ang mga booster dose bilang kanilang kontribusyon sa muling pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa gitna ng umiiral na krisis sa kalusugan ng mundo,” ayon kay Lee Ho.

Ang SM San Pablo ay bukas tuwing Miyerkules at Sabado para sa booster vaccination, primary vaccination at pediatric vaccination. Bukas din ang nabanggit na vaccination site para sa mga hindi residente ng San Pablo City, ayon pa rin kay Dr. Lee Ho.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.