Marcos at Xi, mag uusap tungkol sa tensyon sa WPS

0
162

Sa ginaganap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, California, makikipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping upang talakayin ang lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa South China Sea.

Sa isang pahayag, iginiit ng Pangulo na, “Kukunin natin ang opinyon ng Chinese President ukol sa kung ano ang maaari nating gawin upang ibaba ang init ng sitwasyon, upang hindi lumala ang sitwasyon sa West Philippine Sea.”

Kasalukuyang nasa Amerika sina Marcos at Xi para dumalo sa APEC Summit. Bago pumunta kay Xi, nakipagpulong muna si Marcos kay US Vice President Kamala Harris na nagpahayag ng matibay na suporta ng Amerika sa Pilipinas.

“We will get the view of the Chinese president on what we can do to bring down the temperature, to not escalate the situation in the West Philippine Sea,” ayon kay Marcos sa isang video message. Idinagdag pa niya na magtataguyod sila ng mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan.

Inaangkin ng China ang soberanya sa halos buong South China Sea, na nagpapakita ng linya sa kanilang mga mapa na nagtatanggal sa mga eksklusibong economic zone ng Vietnam, Pilipinas, Malaysia, Brunei, at Indonesia. Hindi tinatanggap ng Taiwan, na inaangkin din ng China, ang mga mapa na ito.

Noong 2016, itinalaga ng Permanent Court of Arbitration na walang legal na basehan ang linya sa mapa ng China, ngunit hindi ito kinikilala ng Beijing.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo