Marcos, hinikayat ang agarang pagpasa ng panukala sa 2025 budget

0
160

MAYNILA. Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagpasa ng House Bill No. 10800 o ang 2025 General Appropriations Act (GAA) sa Senado ng Pilipinas matapos itong sertipikahang urgent.

Sa isang liham na ipinadala kay Senate President Francis Escudero noong Oktubre 29, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagpapatibay ng P6.352 trilyong pambansang badyet para sa 2025. Ang panukalang ito, aniya, ay magtitiyak sa “uninterrupted operation of critical government functions, guarantee the allocation of fiscal resources for vital initiatives, and enable the government to adeptly respond to emerging challenges.”

Ang parehong mensahe ay ipinadala rin kay House Speaker Martin Romualdez bilang bahagi ng koordinasyon sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ang panukalang 2025 budget ay mas mataas ng 9.5% kumpara sa kasalukuyang P5.268 trilyong badyet ng bansa para sa 2024. Layunin nitong tugunan ang mga pangunahing proyekto ng pamahalaan at ang mga hamong kinakaharap ng bansa.

Tinitingnan ng Senado ang kahalagahan ng agarang aksyon para sa panukalang badyet na ito upang matiyak ang maayos na daloy ng serbisyong publiko at tugunan ang patuloy na pangangailangan ng sambayanan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo