Marcos Jr. pipili na ng Bagong PNP chief: Acorda magreretiro na

0
265

Inaasahang magreretiro na sa susunod na linggo ang hepe ng Philippine National Police na si Gen. Benjamin Acorda, Jr. Bilang paghahanda sa pagpapalit, personal nang pinipili ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang susunod na PNP chief.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, layunin ng pagpili na mapanatili ang pagtatagumpay ng PNP sa pagsugpo ng iba’t ibang kriminalidad at pagsasaayos ng kanilang hanay.

Kabilang sa mga itinuturing na pagpipilian para sa posisyon sina Director for Community Relations Maj Gen. Edgar Allan Okubo, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major Gen. Romeo Caramat Jr., National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.; at Police Major General Emmanuel Peralta, chief Directorial Staff.

Sa pagdalo ni Abalos sa 2023 ADAC Performance Awards sa Crowne Plaza sa Quezon City, ipinahayag niya na magagaling ang mga nabanggit na opisyal, at nasa pangulo na ang huling desisyon.

Ani Abalos, mataas ang performance ng PNP ngayon dahil sa pagbaba ng kriminalidad, lalo na sa usapin ng droga. Mahalaga, aniya, ang isang lider na aktibo sa gawain.

Hindi binanggit ni Abalos kung sino sa mga nabanggit na opisyal ang kanyang inirekomenda, ngunit sinabi niyang ito ay isang mahusay at tahimik na lider sa PNP.

Si Acorda ay nakatakda nang magretiro sa Disyembre 3.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.