Marcos, sinuspinde ang pag-angkat ng bigas sa loob ng 60 araw

0
442

MAYNILA. Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng importasyon ng bigas sa loob ng 60 araw simula Setyembre 1, 2025.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, ginawa ng Pangulo ang desisyon matapos kumonsulta sa mga opisyal ng Gabinete sa kanilang limang araw na state visit sa India.

Layon ng suspensyon na maprotektahan ang mga lokal na magsasaka laban sa pagbaba ng presyo ng palay ngayong panahon ng anihan. “To protect local farmers reeling from low palay prices during this current harvest season, President Ferdinand Marcos Jr. today announced the suspension of all rice importation for 60-days beginning Sept. 1, 2025,” pahayag ni Gomez.

Matatandaan na inirekomenda ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na taasan ang taripa sa mga imported na bigas upang hindi malugi ang mga magsasaka.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo