Marcos: Traders na hindi susunod na itinakdang price cap ng bigas, isumbong

0
308

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na magsumbong sa pulisya o sa Department of Agriculture (DA) ang mga nagtitinda ng bigas na hindi sumusunod sa itinakdang presyo ng pamahalaan.

Sinabi ni Marcos na dapat isumbong agad sa pulisya o sa DA, pati na rin sa lokal na pamahalaan, ang sino mang may kaalaman tungkol sa mga negosyanteng o tindahang nagsasamantala sa presyo ng bigas.

“I would encourage everyone who finds that someone, or a retailer is selling, at above the price ceiling, i-report po ninyo. Report niyo sa pulis, i-report niyo sa DA doon sa lugar ninyo, i-report niyo sa local government para ma­tingnan namin at tiyakin na hindi lalampas sa ating presyo na ating linagay na P40 at P44,” dagdag pa ni Marcos.

Batay sa Executive Order No. 39 na inaprubahan ng pangulo, ang regular milled rice ay dapat lamang ibenta sa halagang P41 bawat kilo habang ang presyo ng well-milled rice ay limitado sa P45 bawat kilo.

Gayunpaman, itinuturing na pangunahing problema ito sa National Capital Region (NCR).

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo