Mary Ann Roque, Wonder Woman ng Agriculture

0
1063

Itatampok ko sa artikulo ko ngayong linggo ang isang kahanga hangang babae. Isang ulirang ina, lider, negosyante at magbubukid na may tunay na pagmamahal sa kalikasan. Hayaan ninyong ipakilala ko sa inyo si Mary Ann Roque ng Tanauan, Batangas. 

Taon 2017 ng kami ay magkilala noong kami ni Myrna at binisita niya sa aming farm. Nagkakwentuhan kami tungkol sa pagbubukid at buhay sa bukid. At kaming tatlo ay nagkaroong ibayong inspirasyon na ipagpatuloy at palakasin ang aming pagsasaka.

Ayon sa kanyang kwento, noong 2016 ay bumili ng sariling lupang taniman upang gawing libangan lamang tuwing weekend. Lumaki siya sa Bicol kaya marahil ay hinahanap hanap niya kabukiran at ang kanyang passion sa pagtatanim.

Kasama sa mga pag aaral ni Mary Anna ang pagbabasa tungkol sa agriculture at pamamasyal sa mga farms kagaya ang Forest Wood Garden at Moca Family Farm. 

Taong 2017 noong siya ay magsimulang magtanim ng dragon fruit sa nabili niyang lupa. Kami ay naimbitahan niya sa kanyang farm na lubos naming hinangaan noong 2019. Tatlong ang variety na kanyang itinanim – red, yellow at white.  Nagsimula sya sa 1,000 post at makalipas ang 8 months ay namunga na ang mga ito sa tamang pag aalaga at pamamahala. Ngayon taon ay mayroon na siyang mahigit na 2,000 poste at naghaharvest na ng tone-tonelada bunga. 

Bukod sa Dragon fruit ay nagtanim din si Mary Ann ng iba’t ibang fruit bearing fruits sa mga gilid ng kanyang farm. Ngayon, si Mary Ann ay hindi lang matagumpay na nanay at negosyante. Siya din ngayon ay isa na ring matagumpay na magsasaka.. 

Ipinakita ni Mary Ann ang likas na tatag, husay, talino, determinasyon at lakas ng  pagiging isang babae kung saan ay taglay niya ang  kumpiyansa at tibay ng loob upang magsimula at mamuno ng farm ng mag isa.  Isa siyang inpirasyon at maituturing na Wonder Woman ng Agrculture.

Ang produksyon ng dragon fruit na kilala din sa tawag na Pitaya o Strawberry pear ay isang kumikitang negosyo. Isang itong promising na paraan ng pagpapalaki ng kita ng mga magsasaka sa Pilipinas. Ito ay isang high value crop na namumunga sa loob  lamang ng ilang buwan. Kapag ang mga ito ay namumulaklak ay aani na pagkatapos ng 30 days. Karaniwan ay Mayo hanggang Oktubre ang harvest period nito.

Pumatok sa merkado ang dragon fruit dahil sa naiiba nitong itsura at mga health benefits.  Bukod sa ito’y masarap, matamis at refreshing kainin. Sagana din ito sa fiber at nakakatulong sa digestion. Mayroon di itong kakayahang mag-stabilize ng level ng blood sugar. Pinipigilan nito ang biglaang pag-akyat ng asukal sa katawan pagkatapos makakain ng anumang high glycemic foods.

Wod of the Week

“She considers a field and buys it; with the fruit of her hands she plants a vineyard. She dresses herself with strength and makes her arms strong.”- Proverbs 31:16-17

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.