Mary Jane Veloso, umaasa sa clemency: ‘Wala akong kasalanan’

0
142

MAYNILA. Umaasa si Mary Jane Veloso, isang 39-anyos na Pilipinang makalipas ang 14 na taong pagkakulong sa Indonesia, na mabibigyan ng clemency at tuluyang makakalaya upang makasama ang kanyang pamilya.

Sa isang panayam sa Soekarno-Hatta International Airport sa Jakarta bago ang kanyang pag-uwi, emosyonal na nagpahayag si Veloso ng pasasalamat at pag-asa. “Nagpapasalamat ako kasi makakauwi na (ako) sa Pilipinas, pero I hope makauwi sa pamilya ko,” ani Veloso.

Dagdag pa niya, “Gusto ko na makalaya ako… Clemency… mapawalang sala. Kasi wala akong kasalanan.”

Dumating si Veloso sa Pilipinas nitong Miyerkules ng umaga, isang mahalagang hakbang matapos ang mahaba niyang pananatili sa kulungan sa Indonesia.

Si Veloso ay sinentensyahan ng kamatayan noong 2010 matapos mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa Yogyakarta Airport. Gayunpaman, noong 2015, binigyan siya ng “temporary reprieve” ni dating Indonesian President Joko Widodo dahil sa mga alegasyon ng human trafficking na nag-ugat sa kanyang kaso.

Noong Nobyembre, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kasunduang naabot sa pagitan ng Manila at Jakarta upang ilipat si Veloso sa Pilipinas. Pinasalamatan din ni Marcos si Indonesian President Prabowo Subianto at ang gobyerno nito para sa kanilang kooperasyon.

Bagama’t nasa bansa na si Veloso, patuloy ang kanyang panawagan para sa clemency upang tuluyan siyang mapawalang-sala. Ang kanyang kaso ay naging simbolo ng laban kontra human trafficking at patuloy na sinusubaybayan ng publiko.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo