Mas aktibong degassing, nakikita sa Taal Volcano

0
486

Kapansin-pansin ang degassing o paglabas ng usok sa main crater ng Taal Volcano ay at mas aktibo ito nitong mga nakaraang araw, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Phivolcs na tumataas ang sulfur dioxide (SO2) emission ng Taal Volcano mula noong Marso 6, na umaabot sa 15,900 tonelada noong Marso 9.

Ang Alert Level 2 (increased unrest) ay pinananatili sa Bulkang Taal, na nangangahulugan na ang biglaang singaw o gas-driven na pagsabog, pagyanig ng bulkan, maliit na ashfall at nakamamatay na pagpapatalsik ng volcanic gas ay maaaring mangyari at nagbabanta sa mga lugar sa loob at paligid ng Taal Volcano Island (TVI). 

Sa nakalipas na 24 na oras, nakapagtala ang Phivolcs ng walong volcanic earthquakes, kabilang ang apat na volcanic tremor events na may tagal na 2 hanggang 8 minuto, at tatlong low-frequency volcanic earthquakes.

Ang mga volcanic earthquakes ay sanhi ng paggalaw o pagsabog ng magma mula sa bulkan.

Ang pagtaas ng maiinit na likido ng bulkan sa lawa nito ay nakabuo ng mga plum na may taas na 1,200 metro.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na ang pagpasok sa TVI, ang permanenteng danger zone ng Taal, ay dapat na mahigpit na ipagbawal lalo na sa paligid ng main crater, Daang Kastila fissure.

Pinapayuhan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na patuloy na suriin at palakasin ang kahandaan ng mga naunang lumikas na barangay sa paligid ng Taal Lake sakaling magkaroon ng panibagong kaguluhan na sanhi ng paglikas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo