Mas mahigpit na hakbang sa mga indibidwal na walang bakuna ipapataw ng NCR mayors

0
173

Makatuwiran at nararapat lamang ang patakaran ng Metro Manila Council (MMC) na napagkasunduan ng mga local government units (LGUs) sa National Capital Region na magpatupad ng mga ordinansa para sa mas mahigpit na restrictions sa mga indibidwal na walang bakuna, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Lunes.

Ang nabanggit na tindig ay ipinalabas ng DILG matapos magkasundo ang mga mayor sa Metro Manila na magpataw ng mas mahigpit na hakbang sa mga indibidwal na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 sa gitna ng dumaraming kaso ng coronavirus, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na buo ang suporta ng DILG sa resolusyon ng MMC na ang mga hindi nabakunahan ay dapat manatili sa bahay at hindi dapat makapasok sa mga restawran at iba pa.

“Eighty percent of those in the Intensive Care Unit are unvaccinated. It’s only proper and reasonable for the MMC to implement such a policy,” ayon sa salaysay ni Año.

Sinabi niya na ang pagbabakuna, kasama ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards(MPHS), ay magbibigay-daan sa mga awtoridad na kontrolin ang pag-akyat ng Delta at marahil ay maging ang Omicron variant.

“We fully support the decision of the Metro Manila Council na ipagbawal ang mga unvaccinated individuals in public places, alam naman natin na yung mga unvaccinated individuals pose threat to the community, therefore maganda yung naging desisyon nila na dapat ay nasa mga kabahayan lamang sila and they should not be allowed in restaurants, leisure establishments, to go on social trips, malls, public transportation,” ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.

Sinabi ni Malaya na susuportahan ng DILG ang anunsyo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Ang mga hindi nabakunahang manggagawa sa NCR ay kailangang kumuha ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test kada ikalawang linggo sa kanilang sariling gastos.

Sa nabanggit ding public briefing, pinuri ni Trade Secretary Ramon Lopez at Presidential Adviser for Covid-19 Response Vivencio Dizon ang desisyon ng mga mayor sa Metro Manila na higpitan ang mobility ng mga hindi nabakunahang indibidwal sa gitna ng pagtaas ng araw-araw na kaso ng Covid-19.

“We’d like to thank MMDA Chairman Abalos and the mayors, (because) they limit the movement of the unvaccinated to essential activities and they have given the privilege to those vaccinated,” ayon kay Lopez.

Idinagdag pa niya na ang hakbang na ito ay maaaring hikayatin ang mga tao na makakuha ng kanilang mga Covid-19 jabs dahil ang Metro Manila ay may sapat na supply ng mga bakuna.

“This is very important because we know that Omicron and (other strains of) Covid-19 will really target those who are not vaccinated,” dagdag pa ni Lopez.

Samantala, inatasan ni Año ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang mga LGU sa NCR sa pagpapatupad ng 30 percent indoor capacity at 50 percent outdoor capacity sa ilalim ng Alert Level 3.

“I have also directed the NCRPO (National Capital Region Police Office) to do random inspections of all business establishments to make sure that the operational limitations are followed, and only the vaccinated can access restaurants, leisure establishments, malls, public transportation, and similar establishments,” ayon kay Año.

Samantala, sinabi naman ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na handa ang PNP na tumulong sa mga LGU sa pagpapatupad ng mga lokal na mandato.

Nanawagan siya sa bawat yunit ng pulisya na maging oriented sa mga local executive order.

“Notwithstanding the authority of LGUs to enforce their own ordinances and executive orders, the PNP will remain vigilant in upholding human rights and civil liberties that may be violated in the course of wrong interpretation of these local statutes. The PNP will exercise flexibility to ensure that human rights are protected and the law is applied equally to all,” ayon kay Carlos.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.