Mas matinding init sa mas maraming lugar nasa “danger level” ng heat index ngayong araw

0
192

Umabot na sa 38 lugar sa buong bansa ngayong Huwebes, Abril 25, ang naitala na may heat index na umabot sa ‘dangerous level,’ ayon sa PAGASA. Ito ay mas mataas kumpara sa kahapon na 31 lugar lamang ang apektado.

Sa mga sumusunod na lugar ay posibleng maranasan ang heat index na aabot mula 42°C hanggang 47°C:

  • 47°C:
    • Sangley Point, Cavite
  • 46°C:
    • Dagupan City, Pangasinan
  • 45°C:
    • NAIA Pasay City, Metro Manila
    • Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
    • San Jose, Occidental Mindoro
    • Aborlan, Palawan
    • Roxas City, Capiz
  • 44°C:
    • Tuguegarao City, Cagayan
    • CLSU Muñoz, Nueva Ecija
    • Ambulong, Tanauan, Batangas
    • Puerto Princesa City, Palawan
    • Legazpi City, Albay
    • Virac (Synop), Catanduanes
  • 43°C:
    • Science Garden, Quezon City, Metro Manila
    • Bacnotan, La Union
    • Aparri, Cagayan
    • ISU Echague, Isabela
    • Iba, Zambales
    • Clark Airport (DMIA), Pampanga
    • Baler (Radar), Aurora
    • Mulanay, Quezon
    • Calapan, Oriental Mindoro
    • CBSUA-Pili, Camarines Sur
    • Iloilo City, Iloilo
    • Dumangas, Iloilo
    • Catarman, Northern Samar
    • Zamboanga City, Zamboanga Del Sur
  • 42°C:
    • Laoag City, Ilocos Norte
    • Casiguran, Aurora
    • Tayabas City, Quezon
    • Infanta, Quezon
    • Alabat, Quezon
    • Coron, Palawan
    • Masbate City, Masbate
    • Tacloban City, Leyte
    • Guiuan, Eastern Samar
    • Davao City, Davao del Sur
    • Cotabato City, Maguindanao

Samantala, sa Baguio City at BSU sa La Trinidad, Benguet, ang pinakamababang naitalang heat index ay 28°C lamang.

Ang heat index ay hindi lamang simpleng temperatura ng hangin kundi ang init na nararamdaman ng isang tao. Ito ay sinusukat batay sa humidity at temperatura ng hangin.

Ang mataas na heat index ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan tulad ng heat stroke, heat cramps, at heat exhaustion sa mga lugar na apektado. Ang umiiral na panahon ngayon ay pinaniniwalaang dulot ng climate change na nagpapataas ng temperatura at nagpapalala ng init.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo