Mass graves; katibayan ng torture, war crimes: Matapos umalis ang mga hukbong Ruso sa Bucha

0
423

Bucha, Ukraine. Tumitindi ang galit ng maraming bansa dahil sa mganakitang ebidensya ng posibleng pagbitay at iba pang kalupitan ng mga sundalo ng Russia sa Ukraine.

Kamakailan ay umatras ang mga tropang Ruso mula sa mga lugar sa palibot ng Kyiv upang ituon ang mga pagsisikap sa ibang bahagi ng bansa, gayunpaman, ang mga diumano ay ebidensya ng mga mass grave, torture, panggagahasa at maraming war crimes ay nagbunsod sa mga opisyal ng Ukrainian at European na tumawag para sa mga international investigations.

Matapos umatras ang pwersa ng Russia mula sa Bucha, nakita ng mga sundalong Ukrainian ang nagkalat na bangkay ng mga sibilyan sa mga kalye. “Ang mga lansangan ng bayan na lubhang nawasak ay puno ng mga bangkay. Lahat ng mga taong ito ay pinatay at binaril sa likod ng ulo,” ayon kay Mayor Anatoly Fedoruk, 

Sinabi niya na ang mga biktima ay mga lalaki at babae, at nakakita rin siya ng isang 14-anyos na batang lalaki sa mga patay.

Kinumpirma din ng alkalde na hindi bababa sa 22 ang nagkalat na bangkay sa mga lansangan ng Bucha. Sinabi rin niya na hindi pa posibleng kunin ang mga bangkay dahil sa pangamba na na-booby-trap ang mga ito.

“There are murdered men whose bodies bear signs of torture. Their hands were tied and they were killed by shots to the back of the head,” ayon kay Oleksiy Arestovych sa Ukrainian television.

Sinabi ng isang aide ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy noong Linggo na natagpuan ng mga sundalong Ukrainian ang mga bangkay ng mga babae na ginahasa at sinunog gayundin ang mga katawan ng mga lokal na opisyal at mga bata.

Batay sa salaysay ng isang nakasaksi, habang paalis ng Bucha ang mga sundalong Ruso ay tinarget ng mga ito ang mga taong naglakakad at nagbibisikleta. Ang ibang bangkay ay may dala pang supot ng biniling pagkain.

Samantala, limampu’t pitong sibilyan ang inilibing sa isang mass grave sa likod ng isang simbahan sa Bucha, isang bayan sa labas ng Kyiv. 

“Dito sa mahabang libingan na ito, 57 katao ang inilibing,” ayon kay Serhii Kaplychnyi, na nagpakilalang pinuno ng rescue services sa Bucha, na nag-iintindi ng pagkuha at pagkilala sa mga bangkay.

Nauna dito, itinanggi ng Russia ang pag-target sa mga sibilyan at tinanggihan ang mga paratang ng mga krimen sa digmaan sa tinatawag nitong “special military operations” sa Ukraine.

Ang Kremlin at ang Russian defense ministry ay hindi tumugon sa mga kahilingan para sa komento noong tanungin sila noong Sabado tungkol sa mga bangkay na natagpuan sa Bucha. Hindi rin sumagot ang defense ministry nang muling tanungin noong Linggo.

Kinarga ng mga communal workers sa isang van ng mga bag ng katawan ng mga nagkalat na bangkay na diumano ay pinagbabaril ng mga sundalong Russian sa bayan ng Bucha noong Abril 3.
Mass grave sa likod ng isang simbahan sa sentro ng Bucha kung saan nakita ang 57 na bangkay ng mga sibilyan. Photo credits: Ukrainian official | Deccan Herald
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.