Mass shooting sa Highland Park, IL: arestado ang isang 22 anyos na lalaki

0
271

Highland Park, IL. Inaresto ng US police ang isang suspek matapos mapatay ang anim na tao sa mass shooting sa isang Independence Day parade sa suburban city na ito sa Illinois.

Si Robert E Crimo III, 22, ay ikinulong matapos habulin at hulihin ng mga pulis, ayon sa report.

Umakyat ang mass shooter sa isang bubong at random na binaril ang mga manonood gamit ang isang high-powered rifle.

Si Mr Crimo ay hinuli matapos ang isang manhunt. Siya ay tinukoy bilang isang “person of interest” sa naganap na pamamaril.

Nagpaputok ang mass shooter sa parada, malapit sa lungsod ng Chicago, bandang 10:15 lokal na oras (15:15 GMT), ilang minuto lamang matapos itong magsimula.

Hindi na natuloy ang float, marching band, at community entertainment bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng lungsodna dapat sana ay isa sa pinakamasayang araw ng taon.  Ayon sa ilang saksi inakala nila na fireworks ang mga putok.

Makalipas ang ilang oras, dalawang pulis naman ang nasugatan sa bukod na pamamaril sa Philadelphia sa isang fireworks display para sa Fourth of July.

Ito ang pinakabagong mass shooting na naganap sa US. Noong nakaraang buwan, isang pamamaril ang naganap sa Uvalde, Texas at Buffalo, New York.

Samantala, nagbabala ang gobernador ng Illinois na si Jay Robert Pritzker na ang mga mass shooting ay nagiging isa ng “American tradition.”

Robert (Bob) E. Crimo III ang person of interest sa Highland Park shooting (Photo: Robert Crimo via Reuters)
Isang opisyal ng pulisya ng Lake Forest ang naglalakad sa Central Avenue sa Highland Park noong Hulyo 4, 2022, pagkatapos na mass shooting sa parada ng Fourth of July sa nothern suburb. (Brian Cassella / Chicago Tribune)
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.