Matagumpay na cancer drug trial may sinag ng pag asa: Nawala ang cancer ng 18 pasyente

0
239

Ang isang maliit na grupo ng mga taong may rectal cancer (kanser sa tumbong) ang tila nakaranas ng isang himala dahil nawala ang kanilang kanser matapos sumailalim sa isang experimental treatment.

Ayon sa New York Times, sa isang napakaliit na trial trial ng 18 na pasyente ang umiinom ng gamot na Dostarlimab sa loob ng humigit-kumulang anim na buwan at pagkatapos ng gamutan ay tila himala na nawala ang kanilang mga tumor.

Ang Dostarlimab ay isang gamot na may mga molecule na ginawa sa laboratoryo na kumikilos bilang kapalit na antibodies sa katawan ng tao. Lahat ng 18 rectal cancer na pasyente ay binigyan ng pare parehong gamot at bilang resulta, ang kanser ay ganap na nawala sa lahat ng pasyente at hindi na matukoy ng pisikal na pagsusulit; endoscopy; positron emission tomography o PET scan o MRI scan ang kanilang tumor.

Sinabi ni Dr Luis A. Diaz J. ng Memorial Sloan Kettering Cancer Center ng New York na ito ang “unang pagkakataon na nangyari ito sa kasaysayan ng kanser”.

Ayon sa New York Times, ang mga pasyenteng sumailalim sa clinical trial ay dumaan sa mga nakakapagod na mga nakaraang paggamot upang maalis ang kanilang kanser, tulad ng chemotherapy, radiation at invasive surgery na maaaring magresulta sa problema sa pagdumi, pag-ihi at sexual dysfunction. Ang 18 mga pasyente ay sumailalim sa pagsubok na umaasang dadaan pa sa mga susunod na hakbang. Gayunpaman, sa kanilang pagtataka, hindi na kailangan pa ang karagdagang gamutan.

Ang cancer breakthrough na ito ay kasalukuyang pinag uusapan sa medical world.

Ayon kay Dr Alan P. Venook, na isang colorectal cancer specialist sa University of California, na ang kumpletong pag galing ng 18 pasyente ang “ngayon lang nangyari”. Pinuri niya ang nabanggit na research bilang isang world-first. Binanggit din niya na lalo itong naging kahanga-hanga dahil hindi lahat ng mga pasyente ay dumanas ng mga masasamang komplikasyon mula sa pagsubok na gamot.

Sinadi din sa New York Times ng Memorial Sloan Kettering Cancer Center at ng isang co-author ng research at oncologist na si Dr Andrea Cercek, na noong nalaman ng mga pasyente na sila ay wala ng cancer ay “napaiyak sila sa tuwa.” Para sa pagsubok, ang mga pasyente ay kumuha ng Dostarlimab tuwing tatlong linggo sa loob ng anim na buwan. Lahat sila ay nasa magkatulad na yugto ng kanilang kanser – ito ay lokal na advanced sa tumbong ngunit hindi kumalat sa ibang mga organo.

Sa ngayon, ang mga cancer researchers na nagre-review ng Dostarlimab ay nagsabi sa mga media outlet na ang gamot ay nagpapakita ng malaking pag asa, ngunit ang kailangan pa ng isang mas malaking clinical trial upang makita kung ito ay gagana para sa mas maraming mga pasyente at kung ang mga kanser ay tunay na nasa remission.

Ang Dostarlimab ay ginawa ng Tesaro, isang biotech company na nakabase sa Massachusetts, bago binili ng GlaxoSmithKline noong 2019. Kilala rin ito sa brand name na Jemparli. Ang Dostarlimab ay isang monoclonal antibody na unang inaprubahan para gamitin bilang gamot sa kanser sa United States noong unang bahagi ng 2021.

Ang gamot na Dostarlimab ay ibinibigay sa 18 rectal cancer patient, na ganap na gumaling matapos hindi na matukoy ang kanilang mga tumor sa  physical exam, endoscopy, positron emission tomography (PET) or magnetic resonance imaging (MRI) scans. (Representative image)
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.