Matuto tayo sa mga sakit ng 2021 at wakasan natin ang pandemya  ngayon 2022

0
480

Kabilang ang Sm City San Pablo sa mga vaccination sites  San Pablo City dahil accessible ito sa maraming kababayan. Alas siyete pa lamang ng umaga noong June 8, 2022 ay naghahanda na ang vaccination team at mga volunteers para sa pagbabakuna. Maraming nagpabakuna na mga batang 5 years old pataas, mga defaulter o ung mga nakaligtaan ang schedule ng kanilang 2nd dose at vulnerable group para sa second dose ng booster. 

Ayon kay Eric Aquino isang nurse na kilala bilang Ka Pabloy sa youtube at member ng vaccinator team, pwede ang walk in. Kailangan lamang ay dala ang vaccination card, identification card o i.d at walang sintomas na nararamdaman gaya ng lagnat sipon at ubo upang mabakunahan. 

Kailangan ang booster para sa dagdag na proteksyon laban sa covid-19.  Bukod dito, ang updated na vaccination card na ang hihingin ng mga establishment, ayon kay Ka Pabloy.

Priority ng second dose booster ang mga eligible group kagaya ng frontliners, senior citizen at person with comorbidity. Ang 12-17 years old ay pwede ring bakunahan dito sa Sm City San Pablo. Pwede ring magsadya sa Liceo de San Pablo kung saan ay apat na Sabado ang schedule ng bakunahan ngayong buwan ng Hunyo sa pangunguna San Pablo City City Health Office (CHO). 

Nagkwento naman si Mike Angelo Cardoza , ang cold chain officer ng San Pablo City na patuloy pa rin nilang pinaiigting ang pagpapakalat ng impormasyon sa publiko upang masugpo na ang pandemya partikular ang magulang na may anak na 5 years old pataas na papasok sa mga eskwelahan ngayong pasukan. At ang maganda, sinabi niya na ang mga mamamayan sa karatig bayan at lalawigan ay maaari na ding magpabakuna sa lungsod ng San Pablo. 

Nananawagan naman ni San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho, na chief officer din ng San Pablo General Hospital na kumuha na ng bakuna ang lahat dahil kailangan natin ang bakuna at booster upang labanan Covid-19 at upang makamit natin ang herd immunity ng sa wakas ay tuluyan na nating mapagtagumpayan ang laban kontra Covid-19. 

Nagpasalamat ang mga mamamayan ng San Pablo at ang mga taga karatig bayan sa mga sakripisyong ibinibigay ng ating vaccination team at mga volunteers sa pagsisikap nilangmaibalik na ang normal nating pamumuhay. 

Panoorin ang vlog na ito ni Doc Jeff Sumague TV sa Sm City San Pablo.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.