Maulan ang ‘Undas’ sa ilang bahagi ng PH dahil kay Queenie

0
551

Nakakaranas ng pag ulan ngayong araw ng ‘Undas’ ang ilang lugar sa bansa dahil kay Queenie na kumikilos pakanluran sa ibabaw ng Philippine Sea, ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kanina.

Ang Tropical Storm Queenie ay inaasahan na hihina sa isang tropical depression sa loob ng maghapon at magdamag ngayong araw at magiging low pressure area sa Huwebes.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang inaasahan sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands.

Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Davao Oriental, at sa nalalabing bahagi ng Caraga Region.

Huling nasubaybayan si Queenie sa 430 km. silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Taglay nito ang maximum sustained winds na 65 kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo