MAYNILA — Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na ipatutupad sa Biyernes, Disyembre 5, ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa piling pork cuts at imported carrots, layunin ng hakbang na panatilihing matatag ang presyo sa pamilihan kahit pansamantala ang pagbabawal sa pag-import ng baboy mula Spain dahil sa African swine fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., target nilang mailabas ang MSRP para sa iba pang produkto sa parehong petsa.
Itatakda ang MSRP ng pork liempo sa PHP370 kada kilo, habang ang pigue (ham) at kasim (shoulder) ay PHP350 kada kilo. Para sa imported carrots, itatakda ang MSRP sa PHP120 kada kilo.
Tiniyak ni Tiu Laurel na hindi maaapektuhan ang lokal na suplay sa kabila ng ban sa Spanish pork, dahil sapat ang laman ng cold storage facilities.
Batay sa monitoring ng DA noong Disyembre 1, ang kasalukuyang presyo sa Metro Manila ay naglalaro sa PHP270–PHP390 kada kilo para sa pork ham at PHP320–PHP470 kada kilo para sa pork belly.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






