May alam daw si Cayetano sa ‘secret deal’ sa China

0
248

Nag-ugat ang kontrobersiya hinggil sa ‘secret agreement’ sa pagitan ng Pilipinas at China tungkol sa BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea, ayon sa dating tagapagsalita ni Pangulong Duterte, Harry Roque, na itinuro si dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano bilang may alam sa nasabing kasunduan.

Ayon kay Roque, ang naturang kasunduan ay nagbabawal sa pagdadala ng mga materyales na pang-repair sa nasabing barko, at tanging pagkain at tubig lamang ang maaaring i-supply upang maiwasan ang tensyon sa relasyon ng Pilipinas at China.

Ang BRP Sierra Madre, isang tangke noong panahon ng World War II, ay idinaong ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal noong 1999 bilang isang military outpost at simbolo ng soberanya ng Pilipinas sa nasabing teritoryo.

Sa isang media forum, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kahalagahan ng media sa paglantad ng katotohanan sa mga pangyayari sa West Philippine Sea. Iginiit niya ang pangangailangan na ipagtanggol ang teritoryo, soberanya, at pambansang interes ng Pilipinas laban sa agresibong aksyon ng China.

Kahit mayroon nang desisyon ang international arbitration tribunal sa The Hague noong 2016 na walang legal na batayan ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea, patuloy pa rin itong tinatanggihan ng China.

Ang ‘secret agreement’ na ito ay sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na nagiging agresibo ang China sa pag-atake sa mga barko ng Pilipinas sa nasabing rehiyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.