Bakunado na ang 113,392 manggagawa sa PEZA Calabarzon

0
357

Pag tanggi ng ilang LGU na magbakuna ng hindi nila residente, idinadaing ng PEZA

Calamba City. Fully vaccinated na ang humigit kumulang na 113,392 empleyado at manggagawa sa The Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ayon sa report ng nabanggit na economic zone sa Department of Health, CALABARZON Region 4A.

Nanguna mga ecozones ng PEZA sa Laguna at Cavite sa may pinakamaraming bilang ng nabakunahan na humigit kumulang na tig 45,000 na manggagawa.

Nasa 28,338 naman ang manggagawa sa Batangas ecozone na fully vaccinated na.  

Sa kabila ng mataas na vaccination rate ng mga manggagawa sa PEZA, nagpahayag sila ng pangamba hinggil sa mga report na may ilang local government unit (LGU) na tumatangging magbakuna sa mga manggagawang hindi residente sa kanilang bayan o lungsod. Hindi binanggit ng PEZA kung alin alin ang mga LGU ang ayaw magbakuna ng hindi nila residente.

Ayon sa kanila ay walang kapasidad ang mga economic zone na magbukas ng vaccination sites kung kaya ang mga kompanya ay napipilitang kumuha ng third-party agencies upang magsagawa ng pagbabakuna. Ito anila ay dagdag gastos sa mga pabrika sa PEZA.

Kabilang din anila sa mga isyung kanilang kinakaharap ang kakulangan sa episyenteng koordinasyon sa mga LGU upang matiyak na ang iskedyul ng bakuna ay hindi maka aabala sa oras ng trabaho at operasyon ng mga pabrika.

Mahalaga din, ayon sa kanila na magkaroon ng mahusay na koordinasyon sa pagitan ng mga LGU at ng mga ecozones sa mabilis na pagbibigay ng pahintulot sa mga vaccination site na mag operate.

Ngayong buwan ng Nobyembre, 21,923 kumpirmadong kaso ng Covid-19  ang naitala sa PEZA 1. Sa kasalukuyan ay 2,821 pa ang ginagamot sa mga isolation facilities at ang iba naman ay nasa home quarantine.  Sa kasamaang palad, 87 ang namatay dahil sa malubhang komplikasyon, batay sa report.

Photo Credits: PTV News
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.