May ebidensiya ang DOJ para kasuhan si Atong Ang, 21 iba pa sa kidnapping with homicide

0
297

MAYNILA – Natukoy ng Department of Justice na may prima facie evidence at may reasonable certainty of conviction upang sampahan ng kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at 21 pang indibidwal kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa ilang missing sabungeros.

Ayon sa DOJ, nahaharap ang mga akusado sa 10 bilang ng kidnapping with homicide at 16 na bilang ng kidnapping with serious illegal detention.

Ito ang mga sinampahan ng kidnapping with homicide:

Charlie Tiu Hay Ang, o Atong Ang
Police Lieutenant Colonel Ryan Jay Orapa
Rogelio Borican Jr.
Rodelo Anig-ig
Mark Carlo Zabala
Ronquillo Anding
Police Senior Master Sergeant Joey Natanauan Encarnacion
Police Executive Master Sergeant Aaron Cabillan
Police Master Sergeant Michael Jaictin Claveria
Police Senior Master Sergeant Mark Anthony Aguilo Manrique
Police Senior Master Sergeant Anderson Orozco Abary
Police Staff Sergeant Edmon Hernandez Muñoz
Police Major Philip Almedilla
Police Lieutenant Henry Sasaluya
Police Chief Master Sergeant Arturo Dela Cruz
Police Senior Master Sergeant Farvy Opalla Dela Cruz
Police Senior Staff Sergeant Alfredo Uy Andes
Police Corporal Angel Joseph Martin
Jezrel Lazarte Mahilum
Emman Cayunda Falle
Julious Tagalog Gumulon
Police Master Sergeant Renan Lagrosa Fulgencio

Ito naman ang kakasuhan ng kidnapping with serious illegal detention:

Charlie Tiu Hay Ang, o Atong Ang
Police Lieutenant Colonel Ryan Jay Orapa
Police Master Sergeant Michael Jaictin Claveria
Rodelo Anig-ig
Rogelio Borican Jr.
Police Staff Sergeant Alfredo Uy Andres
Police Major Philip Simborio Almedilla
Police Senior Master Sergeant Joey Encarnacion
Police Executive Master Sergeant Aaron Cabillan
John Does, tumutukoy sa mga hindi pa nakikilalang pulis na umano’y kasama sa grupo ni Orapa

Sinabi ng DOJ na ang mga kaso laban sa ibang respondents ay ibinasura without prejudice, kaya maaari pang muling isampa kung may lilitaw na bagong ebidensiya na mag-uugnay sa kanila sa ilegal na detensiyon.

Sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa “24 Oras,” sinabi ng DOJ na isasampa ang mga kaso sa iba’t ibang Regional Trial Courts, kabilang ang Lipa City at mga korte sa Santa Cruz at San Pablo CIty, Laguna.

Ayon sa abogado ni Ang na si Gabriel Villareal, ang rekomendasyon ng DOJ ay “deeply flawed and grossly unfair to the accused.” Nakatakda ring magsumite ang kampo ni Ang ng motion for reconsideration.

Si Julie “Dondon” Patidongan, dating security chief sa ilang sabungan ni Ang, ang nagdawit kay Ang at sa iba pa sa mga pagdukot mula 2021 hanggang 2022. Sinabi niyang higit 100 ang napatay matapos dukutin.

Mariing itinanggi ni Ang ang mga paratang.

Noong Agosto, nagsampa ng reklamo ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero laban kay Ang at 60 iba pa para sa mga kasong multiple murder, serious illegal detention, at iba pang paglabag.

Noong Oktubre, ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Mandaluyong ang extortion complaint ni Ang laban kina Patidongan at whistleblower Alan Bantiles dahil sa kakulangan ng detalye at ebidensiya.

Nag-ugat ang reklamo sa pahayag ni Ang na tinakot umano siya nina Patidongan at Bantiles na idadamay sa pagkawala ng mga sabungero kung hindi siya magbabayad ng P300 milyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.