Mayor ng San Pedro City, kinasuhan ng kapitan ng barangay

0
161

QUEZON CITY. Sinampahan ng mga kaso si San Pedro City Mayor Art Joseph Mercado, kasama sina Vice Mayor Divina Olivarez, 11 konsehal, at iba pang city officials dahil sa umano’y pang-aabuso sa kapangyarihan, panggigipit, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nagtungo si Barangay Chairman Samuel Rivera ng Langgam, San Pedro City sa tanggapan ng Ombudsman sa Quezon City noong Lunes, Hulyo 15, 2024, at nagsampa ng kaso laban sa mga city government officials dahil sa diumano ay “unreasonable preventive suspension” sa kanya ilang araw bago ang nakatakdang eleksyon ng Liga ng mga Barangay nitong nakaraang linggo.

“We filed cases against Mayor Mercado and others for grave abuse of authority after they slapped us with their questionable preventive suspension signed by his city administrator without due cause,” ani Rivera.

“It’s very oppressive and unconstitutional that’s why we filed these cases to the Ombudsman. The requisites to implement preventive suspension on these kinds of cases were not present for it to be carried out,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Atty. Melvin Matibag, ang pang-aabuso sa kapangyarihan at panggigipit ay walang puwang sa lungsod ng San Pedro. Kinondena din niya ang kawalan ng hustisya sa sinapit sa tatlong kapitan ng barangay.

Nanawagan din si Matibag na maging kalmado at mapayapa ang bawat panig sa pagresolba ng isyu. Ayon sa kanya ay suportado niya ang mga inaapi at itutuwid ng batas ang naganap na kawalan ng hustisya.

“The preventive suspension has something to do with the Liga ng mga Barangay election supposedly set July 5, but was postponed by Liga ng mga Barangay sa Pilipinas on July 4, after Brgy Chairman Rivera’s suspension,” ayo pa rin kay Matibag.

Bukod kay Rivera, kabilang din sa mga sinuspinde sina Barangay San Antonio Chairman Eugenio S. Ynion Jr. at Barangay Chrysanthemum Chairman Restituto Hernandez na umano’y hindi dumaan sa tamang proseso.

“They immediately suspended us inappropriately to rush things because they don’t want us to vote in the Liga ng mga Barangay here in San Pedro where we have the numbers,” dagdag ni Rivera. “It will be a dangerous precedent if we don’t do something.”

Isa si Rivera sa 14 na barangay executives na kaalyado ni Ynion Jr. sa 27 kabuuang barangay ng San Pedro City. Si Ynion ay kasalukuyang presidential candidate para sa Association of Barangay Chairmen (ABC) sa San Pedro City.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.