Mayor ng Tuy, Batangas pinakakasuhan ng murder, frustrated murder ng NBI

0
870

Tuy, Batangas. Pinakakasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng murder at frustrated murder ang bagong halal na mayor ng Tuy, Batangas.

Limang count ng murder at 11 count ng frustrated murder ang inirekomendang kaso ng NBI Special Action Unit sa Office of the Provincial Prosecutor ng Batangas laban kay Mayor Jose Cerrado, 2 police official ng Tuy Police Station, at 2 pang diumano ay tauhan ng mayor.

Ginamit diumano ni Cerrado ang mga pulis ng Tuy para takutin at patayin ang mga supporter ng kanyang karibal.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang mayor at tumanggi ring magbigay ng pahayag ang mga pulis. 

Isa si “Dale” sa mga nakaligtas matapos magtamo ng 12 tama ng bala matapos pagbabarilin ang sinasakya niyang van kasama ang kanyag pamilya noong 2016.

Nangyari umano ito matapos silang bumaligtad at sinuportahan ang karibal ni Cerrado.

“Wala kaming malapitan, lalo’t pulis at mayor ang may gawa. Takot na takot kami… Hindi kami tinitigilan ni mayor,” ayon kay “Dale.”

Dalawang ambush pa ang sumunod kung saan namatay ang dalawa niyang kapatid at 3 kaibigan.

“Sa tingin ko uubusin kami, papatayin din kami kaya naglakas-loob na kami na magkaroon ng hustisya,” ayon sa ng biktimang si “Jobert.”

Pininiwalaang lumakas ang kaso nang umamin ang dating empleyado ng city hall na nakita niya ang pulong ng opisyal at mga pulis at nakasama siya sa ambush gamit ang sasakyan ng opisyal.Ngunit pati siya ay binantaan din, ayon sa kanya, matapos humiwalay sa grupo.

“Ang mga biktima, tinuturo ang mastermind, ang mayor. Mayroon din isang witness na umamin sa partisipasyon sa krimen, mastermind ay ang mayor,” ayon kay NBI Spokesperson Gisele Garcia. 

Hihintayin muna ng kampo ni Mayor Cerrado ang kopya ng pormal na reklamo bago magbigay ng pahayag.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang Batangas police tungkol sa kaso. (NBI)

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.